ترجمة معاني سورة القمر
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج)
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
Nalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan.
Kung makakita sila ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi: "Isang panggagaway na nagpapatuloy."
Nagpasinungaling sila at sumunod sila sa mga pithaya nila. At ang bawat bagay ay mananahan.
At talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita ang may pantaboy.
Isang masidhing karunungan ngunit hindi nakapagdulot ang mga tagababala.
Kaya tumalikod ka sa kanila sa araw na mananawagan ang tagatawag tungo sa isang bagay na nakapangingilabot.
Mga nagpapakaaba ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat,
na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay araw na mahirap.
Nagpasinungaling bago nila ang mga tao ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin at sinabihan nilang baliw at ipinagtabuyan siya.
Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay nagapi kaya mag-adya Ka."
Kaya nagbukas Kami sa mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos.
At nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, at nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa utos na itinakda.
Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako.
Naglalayag ito sa pamamagitan ng mga mata Namin bilang ganti sa dating tinanggihang sampalatayanan.
At talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang isang tanda, kaya may tagapag-alaala ba?
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
At talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba?
Nagpasinungaling ang [liping] `Ād, kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko?
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy.
Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga katawan ng datiles na nabunot.
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba?
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala.
Kaya nagsabi sila: "Isang tao ba kabilang sa amin na nag-iisa ay susunod kami sa kanya? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at pagkabaliw.
Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na hambog."
Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog.
Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang isang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka.
At magbalita ka sa kanila na ang tubig ay paghahatian sa pagitan nila. Bawat pag-inom ay halinhinan.
Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila at kinuha nito [iyon] at kinatay nito.
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga ng nagkukural.
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala kaya may tagapagsaalaala ba?
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala.
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato maiban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi
bilang isang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat.
At talaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagdaluhong Namin ngunit nag-alangan sila sa mga babala.
At talaga ngang humiling sila sa kanya [ng panghahalay] sa panauhin niya ngunit pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] "Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko."
At talaga ngang sinapit sila sa umaga ng isang pagdurusang nananahan.
Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.
At talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba?
At talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala.
Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin kaya kumuha Kami sa kanila ng pagkuha ng Makapangyarihan na Nakakakaya.
Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga iyon o mayroon kayong kaligtasan sa [pagdurusang nasaad] mga kasulatan?
O nagsasabi sila: "Kami ay buklurang nag-aadyaan?"
Matatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod.
Bagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila, at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait.
Tunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw at isang pagdurusa.
Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa pagkasubsob ng mga mukha nila: "Lumasap kayo ng saling ng Impiyerno!"
Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.
At ang utos Namin ay nag-iisa lamang, gaya ng kisap ng paningin.
At talaga ngang nagpasawi Kami ng mga kawangis ninyo, kaya may tagapagsaalaala ba?
At bawat bagay na ginawa nila ay nasa mga talaan.
At bawat maliit at malaki ay nakatitik.
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog,
sa upuan ng katapatan sa tabi ng Haring Nakakakaya.