ترجمة سورة الشمس

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الشمس باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Sumpa man sa araw at sa pang-umagang liwanag nito,
sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon,
sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito roon,
sumpa man sa gabi kapag bumalot ito roon,
sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito,
sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito,
sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito,
saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at ng pangingilag magkasala nito;
nagtagumpay nga ang sinumang naglinis nito [sa kasalanan]
at nabigo nga ang sinumang nagdumi nito [sa kasalanan].
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd dahil sa pagmamalabis nito
nang sumugod ang pinakamalumbay rito.
Kaya nagsabi sa kanila ang sugo ni Allāh: "[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito."
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila at nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa].
At hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito.
Icon