ترجمة سورة المؤمنون

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة المؤمنون باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Nanagumpay nga ang mga mananampalataya kay Allāh, na mga gumagawa ayon sa Batas Niya, sa pagtamo ng hinihiling nila at pagkaligtas mula sa pinangingilabutan nila.
na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapakaaba, na napanatag nga rito ang mga bahagi ng katawan nila, at naalisan ang mga puso nila ng mga tagapagbagabag.
na sila sa kabulaanan, paglilibang, at anumang may pagsuway na mga sinasabi at mga ginagawa ay mga tagaayaw,
na sila - para sa pagdadalisay ng mga sarili nila mula sa mga masamang hilig at pagdadalisay ng mga yaman nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng zakāh ng mga ito - ay mga tagapagsagawa,
na sila sa mga kaselanan nila sa pamamagitan ng paglalayo sa mga ito sa pangangalunya, sodomiya, at mga mahalay ay mga tagapangalaga sapagkat sila ay mga malinis ang puri, mga dalisay,
maliban sa mga asawa nila o inari nilang babaing alipin sapagkat tunay na sila ay hindi masisisi sa pagpapakaligaya sa kanila sa pakikipagtalik at iba pa,
ngunit ang sinumang nagmithi ng pagpapakaligaya sa iba pa sa mga maybahay o mga babaing alipin niya na minamay-ari niya, siya ay lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa paglampas sa ipinahintulot sa kanya na pagtatamasa patungo sa ipinagbawal sa kanya,
na sila sa anumang ipinagkatiwala sa kanila ni Allāh o ipinagkatiwala sa kanila ng mga lingkod Niya at sa mga tipan nila ay mga tagapangalaga: hindi sila nagpapabaya sa mga ito, bagkus tumutupad sila sa mga ito,
na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga sa pamamagitan ng pagpapamalagi sa mga ito at sa pagsasagawa sa mga ito sa mga oras ng mga ito ayon sa mga saligan (rukn) ng mga ito, mga tungkulin (wājib) sa mga ito, at mga itinuturing na kaibig-ibig (mustaḥabb) sa mga ito.
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga tagapagmana,
na mga magmamana sa pinakamataas na paraiso. Sila roon ay mga mamamalagi magpakailanman: hindi mapuputol ang ginhawa nila roon.
Talaga ngang lumikha Kami sa ama ng sangkatauhan na si Adan mula sa putik, na kinuha ang alabok nito mula sa sangkap na hinango mula sa tubig na hinaluan ng alabok ng lupa.
Pagkatapos ay lumikha Kami sa mga supling niya na mga nagpaparami mula sa isang patak na namamalagi sa sinapupunan hanggang sa oras ng panganganak.
Lumikha Kami matapos ng patak na iyon na namamalagi sa sinapupunan bilang isang pulang malalinta, pagkatapos ay lumikha Kami sa pulang malalintang iyon bilang gaya ng isang piraso ng lamang nginuya, saka lumikha Kami sa piraso ng laman na iyon bilang mga butong nanigas, saka binalot Namin ang mga butong iyon ng laman. Pagkatapos ay bumuo Kami rito bilang iba pang nilikha sa pamamagitan ng pag-ihip ng kaluluwa rito at pagpapalabas rito tungo sa buhay. Kaya mapagpala si Allāh, ang pinakamahusay sa mga tagalikha.
Pagkatapos tunay na kayo, O mga tao, matapos na dumaan kayo sa mga baytang na iyon, ay mamamatay sa sandali ng pagwawakas ng mga taning ninyo.
Pagkatapos tunay na kayo, matapos ng kamatayan ninyo, ay bubuhayin mula sa mga libingan ninyo sa Araw ng Pagbangon upang tuusin kayo sa ipinauna ninyong gawa.
Talaga ngang lumikha Kami sa ibabaw ninyo, O mga tao, ng pitong langit na nasa ibabaw ng isa't isa. Hindi Kami naging nalilingat sa paglikha Namin ni nakalilimot dito.
Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ng ulan ayon sa sukat ng pangangailangan: hindi marami para makasira at hindi kaunti para hindi makasapat. Ginawa Namin ito na mamamalagi sa lupa, na pakikinabangan ng mga tao at mga hayop. Tunay na Kami ay talagang nakakakaya na mag-alis nito para hindi kayo makinabang.
Kaya nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga pataniman ng mga datiles at mga ubas - ukol sa inyo sa mga ito ay mga prutas na sarisaring mga anyo at mga kulay gaya ng igos, granada, at mansanas, at mula sa mga ito ay kumakain kayo.
Nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan niyon ng isang punong-kahoy na oliba na lumalabas sa rehiyon ng bundok ng Sinai, na nagpapatubo ng langis na hinahango mula sa bunga nito, na ipinanlalangis at ipinang-uulam.
Tunay na ukol sa inyo, O mga tao, sa mga hayupan (kamelyo, baka, at tupa) ay talagang may aral at katunayang maipatutunay ninyo sa kakayahan ni Allāh at kabaitan Niya sa inyo. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa mga tiyan ng mga hayupang ito ng gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom. Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami na makikinabang kayo sa mga ito gaya ng pagsakay, lana, balahibo, at buhok, at kumakain kayo mula sa mga karne ng mga ito.
Sa ibabaw ng mga kamelyo na mga hayupan sa katihan at sa ibabaw ng mga daong sa dagat dinadala kayo.
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe - sumakanya ang pangangalaga - sa mga kalipi niya, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, kaya nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya; wala na kayong sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya."
Kaya nagsabi ang mga maharlika at mga ginoo na tumangging sumampalataya kay Allāh kabilang sa mga kalipi niya: "Walang iba itong nag-aangkin na siya ay sugo, kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais maging pangulo at mamuno sa inyo. Kung sakaling niloob ni Allāh na magsugo sa atin ng isang sugo, ay talaga sanang nagsugo Siya mula sa mga anghel at hindi Siya magsusugo mula sa tao. Hindi Kami nakarinig ng tulad ng inaanyaya niya sa mga ninuno naming sinauna."
Walang iba siya kundi isang lalaking mayroon sa kanyang pagkabaliw, na walang namamalayan sa sinasabi niya, kaya maghintay kayo sa kanya hanggang sa lumiwanag ang lagay niya sa mga tao."
Nagsabi si Noe - sumakanya ang pangangalaga: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin laban sa kanila sa pamamagitan ng paghihiganti Mo sa kanila para sa akin dahilan sa pagpapasinungaling nila sa akin."
Kaya nagkasi Kami sa kanya: "Yumari ka ng arko sa ilalim ng isang pagtingin mula sa Amin at pagtuturo Namin sa iyo kung papaano mong yayariin iyon. Kaya kapag dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa kanila at bumukal ang tubig nang malakas mula sa lugar na pinaghuhurnuhan ay magpasok ka sa loob niyon ng mula sa bawat buhay na lalaki at babae upang magpatuloy ang lahi at magpasok ka ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang hatol mula kay Allāh ng pagpahamak – tulad ng maybahay mo at anak mo. Huwag kang kumausap sa Akin kaugnay sa mga lumabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya, hinggil sa paghiling ng kaligtasan nila at pagtigil sa pagpahamak sa kanila; tunay na sila ay mga mapapahamak - walang pasubali - sa pamamagitan ng pagkalunod sa tubig ng gunaw.
Kapag pumaibabaw ka sa arko at ang sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga mananampalatayang maliligtas ay sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na sumagip sa amin mula sa mga taong tagatangging sumampalataya at nagpahamak sa kanila."
Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatuloy Ka sa akin mula sa lupa nang isang pagpapatuloy na pinagpala; at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy."
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagliligtas kay Noe at sa mga mananampalatayang kasama sa kanya at pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya ay talagang may mga katunayang hayag sa kakayahan Namin sa pag-aadya sa mga sugo Namin at sa pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling sa kanila. Tunay na laging Kami ay talagang sumusulit sa mga tao ni Noe sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanya sa kanila upang mapaglinawan ang mananampalataya sa tagatangging sumampalataya, at ang tagatalima sa tagasuway.
Pagkatapos ay nagpaluwal Kami noong matapos ng pagpahamak sa mga tao ni Noe ng iba pang kalipunan.
Nagsugo Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh at nagsasabi sa kanila: "Sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya; wala na kayong sinasamba ayon sa karapatan, na iba pa sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya at pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya?"
Kaya ang mga maharlika at ang mga ginoo kabilang sa mga kalipi niya na tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa samantalang nagpalabis Kami sa kanila sa ipinagkaloob Namin sa kanila na mga biyaya sa Buhay sa Mundo ay nagsabi sa mga tagasunod nila at madla nila: "Walang iba ito kung isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo.
Talagang kung tumalima kayo sa isang taong tulad ninyo, tunay na kayo, samakatuwid, ay talagang mga lugi dahil sa kawalan ng pakikinabang ninyo sa pagtalima sa kanya at dahil sa pag-iwan ninyo sa mga diyos ninyo at pagsunod sa isang walang kalamangan sa kanya sa inyo.
Nangangako ba sa inyo itong nag-aangkin na siya ay sugo, na kayo, kapag namatay kayo at naging alabok at butong durog kayo, ay ilalabas kayong mga buhay mula sa mga libingan ninyo? Maiisip ba ito?
Malayung-malayong mangyari ang ipinangangako sa inyo na pagpapalabas sa inyo mula sa mga libingan ninyo bilang mga buhay matapos ng kamatayan ninyo. Ang kahahantungan niyon ay maging alabok at butong durog.
Walang iba ang buhay kundi ang buhay na pangmundo, walang buhay na pangkabilang-buhay. Namamatay ang mga buhay sa atin at hindi nabubuhay. Ipinanganganak ang mga iba pa at nabubuhay sila. Tayo ay hindi mga palalabasin [mula sa libingan] matapos ng kamatayan natin para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.
Walang iba itong nag-aangking siya ay sugo sa inyo kundi isang lalaking lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan dahil sa pag-aangkin niya nito. Hindi tayo sa kanya mga naniniwala.
Nagsabi ang Sugo: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin laban sa kanila sa pamamagitan ng paghihiganti Mo sa kanila para sa akin dahilan sa pagpapasinungaling nila sa akin."
Kaya sumagot si Allāh, na nagsasabi: "Matapos ng kaunting panahon, ang mga tagapagpasinungaling na ito sa inihatid mo ay magiging mga nagsisisi dahil sa naganap mula sa kanila na pagpapasinungaling."
Kaya dinaklot sila ng matinding tunog na nakapapahamak dahil sa pagiging karapat-dapat nila sa pagdurusa dahil sa kasutilan nila. Kaya ginawa sila ng mga pagkapahamak na tulad ng yagit ng baha. Kaya kapahamakan ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Pagkatapos matapos ng pagpahamak sa kanila ay nagpaluwal Kami ng mga tao at mga kalipunang iba pa tulad ng mga tao ni Lot, mga tao ni Shu`ayb, at mga tao ni Jonas.
Hindi nakauuna ang anumang kalipunan kabilang sa mga kalipunang tagapagpasinungaling na ito sa oras na itinakda para sa pagdating ng kapahamakan nito at hindi nakahuhuli ito, maging anuman ang mga kaparaanang mayroon ang mga ito.
Pagkatapos ay nagpadala Kami ng mga sugo Namin na mga magkakasunod: isang sugo kasunod ng isang sugo. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunang iyon ang sugo nitong ipinadala rito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa kalakip ng kapahamakan kaya walang natira sa kanila na kairalan maliban sa mga usapan ng mga tao tungkol sa kanila. Kaya kapahamakan ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila mula sa ganang Panginoon nila.
Pagkatapos ay nagpadala Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kalakip ng siyam na tanda Namin (ang tungkod, ang kamay, ang balang, ang mga kuto, ang mga palaka, ang dugo, ang baha, ang tagtuyot,ang pagkabawas ng mga bunga) at isang katwirang maliwanag.
Nagpadala Kami sa kanilang dalawa kay Paraon at sa mga maharlika ng mga tao niya ngunit nagmalaki sila sapagkat hindi sila nagpaakay sa paniniwala sa dalawa. Sila noon ay mga taong nagmamataas sa mga tao sa pamamagitan ng panlulupig at kawalang-katarungan.
Nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa dalawang taong tulad namin, na walang pagkatangi sa kanilang dalawa higit sa amin, samantalang ang mga kalipi nilang dalawa (ang mga anak ni Israel) sa atin ay mga tumatalima na nagpapasakop?"
Kaya nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa sa inihatid nilang dalawa mula sa ganang kay Allāh kaya sila, dahilan sa pagpapasinungaling nila ay naging kabilang sa mga ipinahahamak sa pamamagitan ng pagkalunod.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah sa pag-asang mapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga kalipi niya tungo sa katotohanan at gumawa sila ayon dito.
Gumawa Kami kay Jesus na anak ni Maria at ina niyang si Maria bilang palatandaang nagpapatunay sa kakayahan Namin sapagkat ipinagbuntis nito siya nang walang ama. Ikinanlong Namin silang dalawa sa isang pook na mataas sa lupa, patag at naaangkop sa pananatili roon, na may tubig na dumadaloy nang tuluy-tuloy.
O mga sugo, kumain kayo mula sa ipinahintulot para sa inyo kabilang sa itinuturing na kaaya-aya ang pagkain niyon, at gumawa kayo ng maayos na umaalinsunod sa Batas. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyong gawain ay Maalam: walang naikukubli sa akin mula sa mga gawa ninyo na anuman.
Tunay na ang kapaniwalaan ninyo, O Sugo, ay kalipunang nag-iisa, ang Islām, at Ako ay Panginoon ninyo - walang Panginoon para sa inyo na iba pa sa Akin - kaya mangilag kayong magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko.
Ngunit nagkahati-hati sa relihiyon ang mga tagasunod nila matapos nila kaya sila ay naging mga lapian at mga kampihan. Bawat lapian ay humahanga sa pinaniniwalaan nito na ito raw ay ang relihiyong kinalulugdan sa ganang kay Allāh, at hindi pumapansin sa anumang nasa ganang iba pa rito.
Kaya iwan mo sila, O Sugo, sa kalagayan nila na kamangmangan at pagkalito hanggang sa isang panahon ng pagbaba ng pagdurusa sa kanila.
Nagpapalagay ba itong mga lapiang natutuwa sa taglay nila na ang ibinigay Namin sa kanila na mga yaman at mga anak sa buhay sa Mundo ay pagmamadali ng kabutihan para sa kanila, na nangingindapat sila doon? Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay nila. Nagbibigay lamang Kami sa kanila niyon bilang pagpupuno at pagpapain sa kanila subalit hindi sila nakadarama niyon.
Nagpapalagay ba itong mga lapiang natutuwa sa taglay nila na ang ibinigay Namin sa kanila na mga yaman at mga anak sa buhay sa Mundo ay pagmamadali ng kabutihan para sa kanila, na nangingindapat sila doon? Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay nila. Nagbibigay lamang Kami sa kanila niyon bilang pagpupuno at pagpapain sa kanila subalit hindi sila nakadarama niyon.
Tunay na silang kalakip ng pananampalataya nila at pagmamagandang-loob nila ay mga nasisindak sa Panginoon nila,
na silang sa mga tanda ng Kasulatan Niya ay sumasampalataya,
na silang naniniwala sa kaisahan ng Panginoon nila ay hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman,
na nagsusumikap sa mga gawain ng pagpapakabuti at nagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng mga gawang maayos habang sila ay mga nangangamba na hindi tanggapin ni Allāh mula sa kanila ang paggugol nila at ang mga gawa nilang maayos kapag bumalik sila sa Kanya sa Araw ng Pagbangon,
ang mga nailarawang iyon sa mga dakilang katangiang ito ay nag-aapura sa mga gawaing maayos, at sila sa mga ito ay nauuna at alang-alang sa mga ito ay nauna sila sa iba pa sa kanila.
Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa sukat ng nakakaya nitong gawain. Sa ganang Amin ay may isang talaang pinagtibay Namin doon ang gawain ng bawat gumagawa, na bumibigkas ayon sa katotohanang walang pag-aatubili hinggil doon, at sila ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga magandang gawa nila ni ng pagdaragdag sa mga masagwang gawa nila.
Bagkus ang mga puso ng mga tagatangging sumampalataya ay nasa pagkalingat sa talaang ito na bumibigkas ng katotohanan at Aklat na ibinaba sa kanila. Mayroon silang mga gawang iba pa bukod pa roon sa taglay nilang kawalang-pananampalataya, na sila ay gumagawa ng mga ito.
Hanggang sa nang nagparusa Kami sa mga pinaginhawa sa kanila sa Mundo ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, biglang sila ay nagtataas ng mga tinig nila habang mga nagpapasaklolo.
Sasabihin sa kanila bilang pagpapawalang-pag-asa sa awa ni Allāh: "Huwag kayong sumigaw at huwag kayong magpasaklolo sa araw na ito sapagkat walang tagapag-adya para sa inyo na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh."
Ang mga talata ng Aklat ni Allāh ay binibigkas sa inyo sa Mundo ngunit kayo noon ay umuurong patalikod sa mga ito kapag nakarinig kayo sa mga ito dala ng pagkasuklam sa mga ito.
Ginagawa ninyo iyon habang mga nagmamalaki sa mga tao dahil sa pag-aangkin ninyo na kayo ay mga naninirahan sa Ḥaram gayong kayo ay hindi naman mga naninirahan doon dahil ang mga naninirahan doon ay ang mga tagapangilag sa pagkakasala samantalang nagpupuyatan kayo sa paligid niyon sa pagsambit ng masagwang pananalita sapagkat kayo ay hindi nagbabanal niyon.
Kaya hindi ba nagbubulaybulay ang mga tagapagtambal na ito sa ibinaba ni Allāh na Qur'ān upang sumampalataya rito at gumawa ayon sa narito, o dumating sa kanila ang hindi dumating sa mga ninuno nila noong wala pa sila kaya umayaw sila roon at nagpasinungaling sila roon.
O tunay na sila ay hindi nakakilala kay Muḥammad - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya - na isinugo ni Allāh sa kanila kaya sila ay mga tagapagkaila sa kanya? Talaga ngang nakakilala sila sa kanya at nagkakilala sila sa katapatan niya at pagkamapagkakatiwalaan niya?
Bagkus nagsasabi silang siya ay baliw. Talaga ngang nagsinungaling sila. Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanang walang pag-aatubili hinggil dito na ito ay mula sa ganang kay Allāh, ngunit ang karamihan sa kanila ay mga nasusuklam sa katotohanan, mga namumuhi rito dala ng inggit mula sa ganang mga sarili nila at dala ng pagkapanatiko sa mga kabulaanan nila.
Kung sakaling pinatakbo ni Allāh ang mga bagay-bagay at nangasiwa sa mga ito alinsunod sa pinipithaya ng mga sarili nila ay talaga sanang nagulo ang mga langit at ang lupa at nagulo ang sinumang nasa mga ito dahil sa kamangmangan nila sa mga kahihinatnan ng mga bagay-bagay at sa tumpak at tiwali na pangangasiwa.
Humiling ka ba, O Sugo, ng upa mula sa mga ito kapalit ng inihatid mo sa kanila at iyon ay nagtulak sa kanila na tumanggi sa paanyaya? Ito ay hindi nangyari sa iyo sapagkat ang gantimpala ng Panginoon mo at pabuya Niya ay higit na mabuti kaysa sa gantimpala ng mga ito at iba pa. Siya-napakamaluwalhati Niya- ay ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.
Tunay na ikaw, O Sugo, ay talagang nag-aanyaya sa mga ito at sa iba pa tungo sa isang daang tuwid, na walang pagkabaluktot doon. Ito ay ang daan ng Islām.
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na pagtutuos, pagpaparusa, at pagpapala ay talagang mga lumilihis palayo sa daan ng Islām patungo sa iba pang mga daang baluktot na nagpaparating sa Apoy.
Kahit pa man naawa Kami sa kanila at pumawi Kami ng dinaranas nilang tagtuyot at pagkagutom ay talagang magpapatuloy sila sa pagkaligaw nila palayo sa katotohanan, na nag-aatubili at nangangapa.
Talaga ngang sumulit Kami sa kanila sa pamamagitan ng mga uri ng mga kasawian ngunit hindi sila nagpakaaba sa Panginoon nila, hindi sila nagpasakop sa Kanya, at hindi sila dumalangin sa Kanya habang mga nagpapakataimtim upang pawiin Niya sa kanila ang mga kasawian sa sandali ng pagbaba ng mga ito.
Hanggang sa nang nagbukas Kami sa kanila ng isang pintuan ng pagdurusang matindi, biglang sila roon ay mga nawawalan ng pag-asa sa bawat kaluwagan at kabutihan.
Si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang lumikha para sa inyo, O mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli, ng pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipang-unawa ninyo. Sa kabila niyon ay hindi kayo nagpapasalamat sa mga biyayang ito malibang kakaunti.
Siya ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, sa lupa. Tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - sa Araw ng Pagbangon ay titipunin kayo para sa pagtutuos at pagganti.
Siya - tanging Siya at kaluwalhatian sa Kanya - ay ang nagbibigay-buhay sapagkat walang tagapagbigay-buhay na iba pa sa Kanya. Siya - tanging Siya - ay ang nagbibigay-kamatayan sapagkat walang tagapagbigay-kamatayan bukod pa sa Kanya. Sa Kanya ang pagtatakda sa pagsasalitan ng gabi at maghapon sa dilim at pagliliwanag, at sa haba at ikli. Kaya hindi ba kayo umuunawa sa kakayahan Niya at pamumukod-tangi Niya sa paglikha at pangangasiwa?
Bagkus nagsabi sila ng tulad sa sinabi ng mga magulang nila at mga ninuno nila sa kawalang-pananampalataya.
Nagsabi sila nang may pagtuturing na imposible at pagkakaila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong durog, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin bilang mga buhay para sa pagtutuos?"
Talaga ngang pinangakuan Kami ng pangakong ito - ang pagkabuhay na muli matapos ng kamatayan - at pinangakuan ang mga ninuno namin bago pa man nang gayon at hindi namin nakita ang pangakong iyon na nagkatotoo. Walang iba ito kundi mga kabulaanan ng mga nauna at mga kasinungalingan nila.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na ito na mga tagapagkaila ng pagkabuhay na muli: "Kanino itong lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito kung nangyaring mayroon kayong kaalaman."
Magsasabi sila: " Ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito ay sa kay Allāh." Sabihin mo sa kanila: "Hindi ba kayo mag-aalaala na ang sinumang sa kanya ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo?"
Sabihin mo sa kanila: "Sino ang Panginoon ng pitong langit? Sino ang Panginoon ng tronong dakila, na walang umiiral na nilikhang higit na dakila kaysa roon?"
Magsasabi sila: "Ang pitong langit at ang tronong dakila ay pagmamay-ari ni Allāh." Kaya sabihin mo sa kanila: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya upang maligtas kayo mula sa pagdurusang dulot NIya?"
Sabihin mo sa kanila: "Sino ang nasa kamay Niya ang paghahari sa bawat bagay, na walang nakabubukod sa paghahari Niya na anuman habang Siya ay nagsasaklolo sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at walang isang nakapipigil sa sinumang nagnais Siya rito ng masagwa para magsanggalang dito laban sa pagdurusa, kung nangyaring mayroon kayong kaalaman?"
Magsasabi sila: "Ang paghahari sa bawat bagay ay nasa kamay Niya - kaluwalhatian sa Kanya." Kaya sabihin mo sa kanila: "Kaya papaanong nawawala ang mga isip ninyo at sumasamba kayo sa iba pa sa Kanya kasabay ng pagkilala ninyo roon?"
Ang usapin ay hindi gaya ng pinagsasabi nila, bagkus nagdala Kami sa kanila ng katotohanang walang pasubali hinggil dito. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa anumang pinagsasabi nilang ukol kay Allāh na may katambal at anak. Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa sabi nila ayon sa kataasang malaki.
Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak gaya ng inaakala ng mga tagatangging sumampalataya. Hindi nangyaring may kasama Siya na anumang sinasamba ayon sa karapatan. Kung sakaling ipinagpalagay na may kasama Siyang isang sinasamba ayon sa karapatan, talaga sanang kumuha ang bawat sinasamba ng bahagi nito mula sa nilikhang nilikha nito at talaga sanang nanaig ang ilan sa kanila higit sa iba, kaya magugulo ang sistema ng Sansinukob. Ang reyalidad ay walang nangyaring anumang gaya niyon. Kaya nagpatunay ito na ang sinasamba ayon sa karapatan ay nag-iisa. Siya ay si Allāh - tanging Siya. Nagpawalang-kaugnayan Siya at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang inilalarawan sa Kanya ng mga tagapagtambal na hindi naaangkop sa Kanya na pagkakaroon ng anak at katambal.
Nakaaalam sa bawat nakalingid sa nilikha Niya at nakaaalam sa bawat nasasaksihan at natatalos ng mga pandama, walang naikukubli sa Kanya na anuman doon kaya pagkataas-taas Siya - kaluwalhatian sa Kanya -na mangyaring mayroon Siyang katambal.
Sabihin mo, O Sugo: "Panginoon ko, kung ipakikita Mo nga sa akin sa mga tagapagtambal na ito ang ipinangangako mo sa kanila na pagdurusa,
Panginoon ko, kung magpaparusa Ka sa kanila habang ako ay sumasaksi niyon, huwag Kang maglagay sa akin sa kanila sapagkat dadapo sa akin ang dadapo sa kanila na pagdurusa.
Tunay na Kami sa pagsasanhi sa iyo na makasaksi at makakita ka sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa ay talagang nakakakaya: hindi Kami nawawalan ng kakayahan doon ni sa iba pa roon.
Itaboy mo, O Sugo, ang sinumang gumagawa ng masagwa sa iyo sa pamamagitan ng katangiang higit na maganda sa pamamagitan ng pagpapaumanhin mo sa kanya at pagtitiis mo sa pananakit niya. Kami ay higit na nakaaalam sa anumang inilalarawan nila na pagtatambal at pagpapasinungaling at sa anumang inilalarawan nila sa iyo na hindi naaangkop sa iyo gaya ng panggagaway at pagkabaliw.
Sabihin mo: "Panginoon ko, nagpapakandili ako sa Iyo laban sa mga pang-uudyok ng mga demonyo at mga bulong nila.
at nagpapakupkop ako sa Iyo, Panginoon ko, na dumalo sila sa akin sa anuman sa mga nauukol sa akin."
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating sa isa sa mga tagapagtambal ang kamatayan at napagmasdan niya ang bumababa sa kanya ay nagsabi siya dala ng pagsisisi sa nasayang sa buhay niya at pagkukulang niya sa nauukol kay Allāh: "Panginoon ko, pabalikin Mo ako sa buhay sa Mundo,
nang sa gayon ako ay gagawa ng gawaing maayos kapag bumalik ako roon." Aba'y hindi! Ang usapin ay hindi gaya ng hiniling mo. Tunay na ito ay isang payak na salitang siya ay tagapagsabi nito sapagkat kung sakaling ibinalik siya sa buhay sa Mundo ay talagang hindi siya tutupad sa ipinangako niya. Mananatili ang mga pumanaw sa isang nakahalang sa pagitan ng Mundo at Kabilang-buhay hanggang sa Araw ng Pagbuhay at Pagtitipon kaya hindi sila makababalik sa Mundo upang punan ang nakaalpas sa kanila at isaayos ang nasira nila.
Kaya kapag umihip ang anghel na nakatalaga sa tambuli sa sungay sa ikalawang pag-ihip na nagpapahayag ng pagbangon [ng mga patay], wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila na nagpapayabangan sila sa pamamagitan ng mga ito dahil sa pagkaabala nila sa mga hilakbot ng Kabilang-buhay at hindi magtatanong ang isa't isa sa kanila dahil sa pagkaabala nila sa pumapatungkol sa kanila.
Kaya ang sinumang bumigat ang mga timbangan niya dahil sa pananaig ng mga magandang gawa niya kaysa sa mga masagwang gawa niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay dahil sa matatamo nila na mga hiniling nila at maiiwasan nila na kinasisindakan nila.
Ang sinumang gumaan ang mga timbangan niya dahil sa pananaig ng mga masagwang gawa niya kaysa sa mga magandang gawa niya, ang mga iyon ay ang mga nagsayang sa mga sarili nila dahil sa paggawa ng nakapipinsala sa mga ito at pag-iwan sa nagpapakinabang sa mga ito na pananampalataya at gawang maayos sapagkat sila ay sa apoy ng impiyerno mga mamamalagi, na hindi makalalabas mula roon.
Susunog sa mga mukha nila ang Apoy habang sila roon ay umurong ang mga labing pantaas at pambaba palayo sa mga ngipin dahil sa tindi ng pagsimangot.
Sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila: "Hindi ba ang mga talata ng Qur'ān dati ay binibigkas sa inyo sa Mundo ngunit kayo dati sa mga ito ay nagpapasinungaling?"
Nagsabi sila: "Panginoon namin, nanaig sa amin ang nauna sa kaalaman mo na kalumbayan namin, at kami dati ay mga taong naliligaw palayo sa katotohanan.
Panginoon namin, palabasin Mo kami mula sa Apoy; at kung bumalik kami sa dati naming kalagayan na kawalang-pananampalataya at pagkaligaw, tunay na kami ay mga lumalabag sa katarungan sa mga sarili namin samantalang naputol na ang pagdadahilan namin.
Nagsabi si Allāh: "Manatili kayong mga hamak na inaaba sa Apoy at huwag kayong magsalita sa Akin."
Tunay na may isang pangkat noon kabilang sa mga lingkod Ko na sumampalataya sa Akin, na nagsasabi: "Panginoon namin, sumampalataya kami sa Iyo kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala Namin at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng awa Mo, at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa."
Ngunit gumawa kayo sa mga mananampalatayang dumadalangin na ito sa Panginoon nila bilang tampulan ng pangungutya. Nanunuya kayo sa kanila at nangungutya kayo sa kanila hanggang sa nagpalimot sa inyo sa pag-alaala kay Allāh ang pagkaabala ninyo sa panunuya sa kanila habang kayo noon ay tumatawa sa kanila bilang panunuya at pangungutya.
Tunay na Ako ay gaganti sa mga mananampalatayang ito ng pagtamo ng Paraiso sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagtitiis nila sa pagtalima sa Akin sa kabila ng tinatanggap nila noon mula sa inyo na pananakit.
Sabihin mo: "Gaano katagal nanatili kayo sa lupa sa mga taon? Ilang panahon ang sinayang ninyo roon?"
Kaya sasagot sila sa pamamagitan ng pagsabi nila: "Nanatili kami nang isang araw o isang parte ng isang araw; magtanong Ka sa mga pinatutungkulan ng pagtutuos sa mga araw at mga buwan."
Sabihin mo: "Hindi kayo nanatili sa Mundo malibang sa kaunting panahon upang mapadali ang pagtitiis doon sa pagtalima, kung sakaling kayo ay nakaaalam noon sa sukat ng pananatili ninyo."
Kaya nagpalagay ba kayo o mga tao- na lumikha lamang Kami sa inyo na parang laro na walang layunin, walang paggantimpala at walang pagpaparusa tulad ng mga hayop, at na kayo sa Amin ay hindi ibabalik sa araw ng pagbangon upang [isagawa] ang pagtutuos at pagganti?!
Kaya nagpawalang-kaugnayan si Allāh, ang Hari, ang Tagapamahala sa nilikha Niya ayon sa niloloob Niya, ang Siyang totoo: ang pangako Niya ay totoo at ang sabi Niya ay totoo, na walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya, ang Panginoon ng tronong mahal, na siyang pinakadakila sa mga nilikha - at ang sinumang isang panginoon para sa pinakadakila sa mga nilikha, Siya ay Panginoon ng mga ito sa kabuuan ng mga ito.
Ang sinumang mananalangin kasama kay Allāh sa isang sinasambang iba pa, nang walang katwiran sa kanya rito upang maging karapat-dapat ito sa pagsamba (ito ay nauukol sa bawat sinasambang iba pa kay Allāh), ang ganti sa gawa niyang masagwa ay nasa ganang Panginoon niya lamang - kaluwalhatian sa Kanya - sapagkat si Allāh ay ang gaganti sa kanya sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagdurusa sa kanya. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagtamo ng hinihiling nila, ni ng pagkaligtas sa pinangingilabutan nila.
Sabihin mo, O Sugo: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko at maawa Ka sa akin sa pamamagitan ng awa Mo, at Ikaw ay ang pinakamabuti sa sinumang naaawa sa isang may pagkakasala sapagkat tinatanggap mo ang pagbabalik-loob Niya."
Icon