ترجمة معاني سورة النجم
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Sumumpa Siya - kaluwalhatian sa Kanya - sa bituin kapag lumubog ito.
Hindi lumihis si Muḥammad na Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - palayo sa daan ng kapatnubayan at siya ay hindi naging lisya, bagkus siya ay nagabayan.
Hindi siya nagsasalita ng Qur'ān na ito bilang pagsunod sa pithaya niya.
Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasi na ikinakasi ni Allāh sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga.
Nagturo sa kanya nito ang anghel na matindi ang lakas, si Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga.
Si Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - ay may anyong maganda, at saka lumitaw nang lantad sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa anyo nito na nilikha ito ni Allāh,
habang si Anghel Gabriel ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas ng langit.
Pagkatapos ay lumapit si Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - at pagkatapos ay nadagdagan ito ng lapit sa kanya.
Kaya ang lapit nito mula sa kanya ay naging nasa layong dalawang pana o higit na malapit.
Kaya nagkasi si Anghel Gabriel sa lingkod ni Allāh na si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ng ikinasi Niya.
Hindi nagsinungaling ang puso ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa nakita niya at napagmasdan niya.
Kaya makikipagtalo ba kayo sa kanya, O mga tagatambal, hinggil sa ipinakikita ni Allāh sa kanya sa gabi ng pagpapalakbay sa kanya?
Talaga ngang nakita ni Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan si Anghel Gabriel sa anyo nito isa pang pagkakataon sa gabi ng pagpapalakbay sa kanya,
[Ito ay] sa tabi ng punong Sidrah ng pinagwawakasan. Ito ay isang punong-kahoy na lubhang malaki sa ikapitong langit.
Sa tabi ng punong-kahoy na ito ay ang paraiso ng kanlungan.
[Ito ay] noong may bumabalot sa punong Sidrah dahil sa utos ni Allāh na isang bagay na malaki, na walang nakakikilala sa kakanyahan nito kundi si Allāh.
Hindi kumiling ang paningin niya - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa kanan ni kaliwa, at hindi ito lumampas sa itinakda para rito.
Talaga ngang may nakita si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - noong gabi ng pagpapaakyat sa kanya mula sa mga pinakadakilang tanda ng Panginoon Niya, na nagpapatunay sa kakayahan ng Panginoon, sapagkat nakita niya ang Paraiso at nakita niya ang Impiyerno at ang iba pa sa mga ito.
Kaya nagsaalang-alang ba kayo, O mga tagatambal, sa mga diyus-diyusang ito na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, na sina Allāt at Al`uzzā,
at kay Manah, ang ikatlong iba pa, kabilang sa mga diyus-diyusan ninyo? Magpabatid kayo sa akin, nakapagdudulot ba ang mga ito para sa inyo ng pakinabang o pinsala?
Ukol ba sa inyo, O mga tagatambal, ang lalaki na naiibigan ninyo at ukol sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya ang babae na kinasusuklaman ninyo?
Ang paghahating iyon na inihati ninyo dahil sa mga pithaya ninyo ay isang paghahating di-makatarungan.
Walang iba ang mga diyus-diyusang ito kundi mga pangalang hubad sa kahulugan - sapagkat walang bahagi para sa mga ito sa mga katangian ng pagkadiyos - na ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo mula sa pagkukusa ng mga sarili ninyo. Hindi nagbaba si Allāh sa mga ito ng anumang patunay. Walang sinusunod ang mga tagatambal sa paniniwala nila kundi ang pagpapalagay at ang pinipithaya ng mga sarili nila kabilang sa ipinang-akit ng demonyo sa mga puso nila. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay sa pamamagitan ng dila ng Propeta ni Allāh - sumakanya ang basbas at ang pangangalaga - ngunit hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito.
O ukol ba sa tao ang minithi niya na pamamagitan ng mga diyus-diyusan kay Allāh?
Hindi; hindi ukol dito ang minithi nito sapagkat sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang huling buhay at ang unang buhay: nagbibigay Siya mula sa dalawang ito ng niloloob Niya at nagkakait Siya ng niloloob Niya.
Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman kung sakaling nagnais sila na mamagitan sa isa man malibang matapos na magpahintulot si Allāh sa pamamagitan sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila at kinalulugdan Niya ang pamamagitanan. Hindi nagpapahintulot si Allāh sa sinumang ginawang katambal na mamagitan at hindi malulugod si Allāh sa pinamamagitanan nito na sumasamba rito bukod pa kay Allāh.
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa pagbubuhay sa tahanang pangkabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae dahil sa paniniwala nila na ang mga ito ay mga babaing anak ni Allāh. Pagkataas-taas si Allāh higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki.
Walang ukol sa kanila dahil sa pagpapangalan sa mga ito bilang mga babae na anumang kaalamang masasandalan nila. Wala silang sinusunod doon kundi ang paggagawa ng kasinungalingan at ang paghahaka. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman para tumayo sa kinalalagyan nito.
Kaya umayaw ka, O Sugo, sa tumalikod sa pag-alaala kay Allāh, hindi pumapansin sa Kanya, at walang ninais kundi ang buhay na pangmundo sapagkat hindi siya gumagawa para sa Kabilang-buhay niya dahil siya ay hindi sumasampalataya roon.
Iyon ay ang sinasabi ng mga tagatambal na ito na pagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan ng babae. Ito ay ang hangganan nila na nararating nila sa kaalaman dahil sila ay mga mangmang. Hindi sila nakarating sa katiyakan. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na nakaaalam sa sinumang lumihis palayo sa landas Niya at Siya ay higit na nakaaalam sa sinumang napatnubayan tungo sa daan Niya: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang anumang nasa mga langit at sa Kanya ang anumang nasa lupa sa paghahari, paglikha, at pangangasiwa upang gumanti Siya sa mga nagpasagwa sa mga gawain nila sa Mundo ayon sa naging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa, at gumanti Siya ng Paraiso sa mga mananampalataya na nagpaganda sa mga gawa nila.
Ang mga lumalayo sa mga malaki sa mga pagkakasala at mga pangit sa mga pagsuway maliban sa mga maliit sa mga pagkakasala - ang mga ito ay pinatatawad sa pamamagitan ng pagtigil sa mga malaking kasalanan at pagpaparami ng mga pagtalima - tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay malawak ang pagpapatawad: nagpapatawad Siya ng mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila mula sa mga iyon. Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay higit na nakaaalam sa mga kalagayan ninyo at mga nauukol sa inyo nang lumikha Siya sa ama ninyong si Adan mula sa alabok at nang kayo ay mga dinadala sa mga tiyan ng mga ina ninyo habang nililikha kayo sa isang paglikha matapos ng isang pagkakalikha. Walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon. Kaya huwag ninyong ipagkapuri ang mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagbubunyi sa mga ito dahil sa pangingilag sa pagkakasala sapagkat Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay higit na nakaaalam sa sinumang nangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya.
Kaya nakita mo ba ang kapangitan ng kalagayan ng umayaw sa Islām matapos ng pagkalapit niya rito,
at nagbibigay ng kaunting salapi at pagkatapos ay nagkait dahil ang karamutan ay kalikasan niya sa kabila niyon ay nagmamalinis siya ng sarili niya?
Taglay ba niya ang kaalaman sa Lingid kaya siya ay nakakikita at nagsasalaysay hinggil sa Lingid?
O siya ba ay gumagawa-gawa ng kasinungalingan kay Allāh, o hindi siya binalitaan ng sinabi-sabing ito laban kay Allāh sa nasa mga kalatas na nauna na pinababa ni Allāh kay Moises?
at sa mga kalatas ni Abraham na gumanap sa bawat iniatang sa kanya ng Panginoon niya at lumubos niyon,
na hindi dadalhin ng isang tao ang kasalanan ng iba pa sa kanya.
na walang ukol sa tao kundi ang gantimpala ng gawa niya na ginawa niya,
at na ang gawa niya ay makikita sa Araw ng Pagbangon nang harapan.
Pagkatapos ay bibigyan siya ng ganti sa gawa niya nang lubusan hindi kinulangan.
At na tungo sa Panginoon mo, O Sugo, ang pinanunumbalikan ng mga tao at ang kahahantungan nila matapos ng kamatayan nila.
At na Siya ay nagpatuwa sa sinumang niloloob Niya kaya nagpatawa rito, at nagpalungkot sa sinumang niloloob Niya kaya nagpaiyak dito.
At na Siya ay nagbigay-kamatayan sa mga buhay sa Mundo at nagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng pagbubuhay-muli.
At na Siya ay lumikha sa dalawang uri: ang lalaki at ang babae,
mula sa patak kapag inilagay ito sa sinapupunan.
At na bahala Siya sa pag-uulit sa paglikha sa kanilang dalawa para sa pagbubuhay matapos ng pagkamatay nilang dalawa.
At na Siya ay nagpayaman sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng pagpapaari rito ng yaman at nagbigay ng yaman na ginagawa ng mga tao na isang pag-aaring kinakamit nila.
Na Siya ay ang Panginoon ng Sirius, ang bituing sinasamba ng ilan sa mga tagatambal kasama kay Allāh.
At na Siya ay nagpasawi sa [liping] `Ād na sinauna. Sila ay ang mga kalipi ni Hūd noong nagpumilit sila sa kawalang-pananampalataya nila.
Nagpasawi siya sa Thamūd, ang mga kalipi ni Ṣāliḥ, at hindi Siya nagtira mula sa kanila ng isa man.
At pinasawi ang mga kababayan ni Noe noong bago pa ng [liping] `Ād at [liping] Thamūd. Tunay na ang mga kababayan ni Noe noon ay higit na matindi sa paglabag sa katarungan at higit na mabigat sa pagmamalabis kaysa sa [liping] `Ād at [liping] Thamūd dahil si Noe ay nanatili sa kanila ng isang libong taon maliban sa limampung taon, na nag-aanyaya sa kanila sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit hindi sila tumugon.
At ang mga pamayanan ng mga kababayan ni Lot ay iniangat niya patungong langit. Pagkatapos ay nagpabagsak Siya sa mga ito sa lupa,
at nagtakip Siya sa mga ito at nagpatama Siya sa mga ito ng mga bato, na itinakip Niya sa mga ito matapos ng pag-angat sa mga ito patungong langit at pagpapabagsak sa mga ito sa lupa.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon mo na nagpapatunay sa kakayahan Niya makikipagtalo ka, O tao, para hindi mapangaralan sa pamamagitan ng mga ito?
Ang Sugong isinugong ito sa inyo ay kabilang sa uri ng mga sugong sinauna.
Lumapit ang Pagbangon na malapit.
Walang ukol dito na isang tagatulak na magtutulak dito at walang tagapabatid rito maliban kay Allāh.
Kaya sa Qur'ān na ito ba na binibigkas sa inyo ay nagtataka kayo na ito ay mula sa ganang kay Allāh?
At tumatawa kayo rito bilang pangungutya rito at hindi kayo umiiyak sa pakikinig sa mga pangaral nito,
at habang kayo ay mga naglilibang palayo rito, na hindi pumapansin dito.
Kaya magpatirapa kayo kay Allāh - tanging sa Kanya - at magpakawagas kayo sa pagsamba.