ترجمة سورة هود

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة هود باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Alif. Lam. Ra'. [Ito ay] isang Aklat na nilubos ang mga talata nito, pagkatapos ay masusing ipinaliwanag mula sa panig ng isang Marunong, isang Tagabatid.
[Ipinasasabi sa Sugo:] "Huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang tagapagbabala at isang tagapagbalita ng nakagagalak."
[Ipinasasabi sa Sugo:] "Humingi kayo ng kapatawaran sa Panginoon ninyo, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya, pagtatamasain Niya kayo ng isang tinatamasang maganda hanggang sa isang taning na itinakda at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob ng kabutihang-loob dito. Kung tatalikod kayo, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na malaki.
Tungo kay Allāh ang balikan ninyo. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan."
Pansinin, tunay na sila ay nagtatabingi ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila mula sa Kanya. Pansinin, kapag nagtatakip sila ng mga kasuutan nila ay nalalaman Niya ang inililihim nila at ang inihahayag nila. Tunay na Siya ay Maalam sa kimkim ng mga dibdib.
Walang anumang gumagalaw sa lupa malibang nasa kay Allāh ang panustos nito. Nalalaman Niya ang tuluyan nito at ang pinaglalagakan dito. Ang lahat ay nasa isang aklat na malinaw.
Siya ay ang lumikha sa mga langit at lupa sa anim na araw – at ang Trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig - upang subukin Niya kayo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Talagang kung nagsabi ka: "Tunay na kayo ay mga bubuhayin matapos ng kamatayan" ay talagang magsasabi nga ang mga tagatangging sumampalataya: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw."
Talagang kung ipinagpaliban Namin sa kanila ang pagdurusa hanggang sa isang yugtong nabibilang ay talagang magsasabi nga sila: "Ano ang pumipigil dito?" Pansinin, sa araw na darating ito sa kanila ay hindi ito maililihis palayo sa kanila at magpapalibot sa kanila ng kinukutya nila noon.
Talagang kung nagpalasap Kami sa tao ng isang awa mula sa Amin, pagkatapos ay aalisin Namin ito mula sa kanya, tunay na siya ay talagang talamak sa kawalang-pag-asa at palatangging magpasalamat.
Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang ginhawa matapos ng isang pinsalang sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Umalis ang mga masagwa buhat sa akin." Tunay na siya ay talagang masaya, napakayabang –
maliban sa mga nagtiis at gumawa ng mga maayos. Ang mga iyon ay magkakaroon ng kapatawaran at pabuyang malaki.
Kaya baka ikaw ay mag-iiwan sa ilan sa isiniwalat sa iyo at pinaninikipan dahil dito ng dibdib mo na magsabi sila sa iyo: "Bakit kaya hindi nagbaba sa kanya ng isang kayamanan o may dumating kasama niya na isang anghel?" Ikaw ay isang tagapagbabala lamang. Si Allāh sa bawat bagay ay Pinagkakatiwalaan.
O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: "Kaya magdala kayo ng sampung sūrah tulad nito na mga ginawa-gawa at tawagin ninyo ang sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh kung kayo ay mga tapat."
Kaya kung hindi sila tumugon sa inyo, alamin ninyo na ibinaba lamang ito sa pamamagitan ng kaalaman ni Allāh at walang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba kundi Siya. Kaya kayo ba ay mga Muslim?
Ang sinumang nagnanais ng buhay sa mundo at gayak nito, magtutumbas Kami sa kanila sa mga gawa nila rito habang sila rito ay hindi kukulangan.
Ang mga iyon ay ang mga walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy. Nawalan ng kabuluhan ang niyari nila roon at walang-saysay ang ginagawa nila noon.
Kaya ba ang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya [ay tulad ng nabanggit]? Sumunod sa kanya ang isang tagasaksi mula sa [Panginoon niya], at bago dito, ang kasulatan ni Moises bilang pinuno at awa. Ang mga iyon ay sumasampalataya sa kanya. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa kanya ay kabilang sa mga lapian, ang Apoy ay ipinangako rito. Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aatubili sa [Qur'ān na] ito. Tunay na ito ay ang totoo mula sa Panginoon mo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
Sino pa ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan? Ang mga iyon ay ilalahad sa Panginoon nila at magsasabi ang mga saksi: "Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila." Pansinin, ang sumpa ni Allāh ay ukol sa mga tagalabag sa katarungan,
na mga sumasagabal sa landas ni Allāh at nagmimithi rito ng baluktot habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
Ang mga iyon ay hindi mga makalulusot sa lupa at hindi sila nagkaroon bukod pa kay Allāh ng mga katangkilik. Pag-iibayuhin para sa kanila ang pagdurusa. Hindi sila noon nakakakaya ng pagdinig at hindi sila noon nakakikita.
Ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa.
Walang pasubali na sila sa Kabilang-buhay ay ang mga pinakalugi.
Tunay na ang mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, at nagpakumbaba sa Panginoon nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mamamalagi.
Ang paghahalintulad sa dalawang pangkat ay gaya ng bulag at bingi, at ng nakakikita at nakaririnig. Nagkakapantay ba ang dalawa sa paghahalintulad? Hindi ba kayo mag-aalaala?
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kalipi niya, [na nagsasabi]: "Tunay na ako para sa inyo ay isang tagapagbabalang malinaw,
na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na masakit."
Kaya nagsabi ang konseho na tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: "Wala kaming nakikita sa iyo kundi isang tao tulad namin, wala kaming nakikita sa iyo na sumunod sa iyo kundi silang mga napakahamak sa amin sa unang tingin, at wala kaming nakikita para inyo ng anumang kalamangan sa amin, bagkus ipinagpapalagay namin na kayo ay mga nagsisinungaling."
Nagsabi siya: "O kalipi ko, nagsasaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya ngunit nalingid ito sa inyo, mamimilit ba kami sa inyo rito samantalang kayo rito ay mga nasusuklam?
O mga kalipi ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil dito ng yaman; walang iba ang pabuya ko kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magtataboy sa mga sumampalataya. Tunay na sila ay makikipagtagpo sa Panginoon nila, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.
O mga kalipi ko, sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung itinaboy ko sila? Hindi ba kayo nag-aalaala?
Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako nagsasabi sa mga hinahamak ng mga mata ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang mabuti. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa nasa mga sarili nila. Tunay na ako samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
Nagsabi sila: "O Noe, nakipagtalo ka na sa amin at dinalasan mo ang pakikipagtalo sa amin kaya magdala ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat."
Nagsabi siya: "Magdadala lamang sa inyo nito si Allāh kung niloob Niya, at kayo ay hindi mga makalulusot.
Hindi magpapakinabang sa inyo ang payo ko – kahit ninais ko na magpayo sa inyo – kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na maglisya sa inyo. Siya ay ang Panginoon ninyo, at tungo sa Kanya ay magbabalik kayo."
O nagsasabi sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: "Kung gumawa-gawa ako nito ay sa akin ang pagkasalarin ko ngunit ako ay walang-kinalaman sa anumang pagkasalaring isinasagawa ninyo."
Isiniwalat kay Noe: "Walang sasampalataya kabilang sa mga tao mo kundi ang sinumang sumampalataya na, kaya huwag kang mahapis sa anumang dati nilang ginagawa.
Yumari ka ng daong sa pamamagitan ng mga mata Namin at pagsisiwalat Namin. Huwag kang makipag-usap sa Akin hinggil sa mga lumabag sa katarungan; tunay na sila ay mga malulunod."
Niyayari niya ang daong at sa tuwing may napadaan sa kanya na pamunuan kabilang sa mga tao niya ay nangungutya sila sa kanya. Nagsabi siya: "Kung nangungutya kayo sa amin, tunay na kami ay mangungutya sa inyo kung paanong nangungutya kayo,
at malalaman ninyo kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magdudusta sa kanya at may dadapo sa kanyang isang pagdurusang mamamalagi.
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating ang pasya Namin at sumambulat ang pugon. Nagsabi Kami: "Maglulan ka sa loob niyon ng bawat dalawang magkapares, ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang hatol – at ng sinumang sumampalataya. Walang sumampalataya kasama niya kundi kakaunti.
Nagsabi siya: "Sumakay kayo rito; sa ngalan ni Allāh ang paglalayag nito at ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad, Maawain."
Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: "O anak ko, sumakay ka kasama namin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya."
Nagsabi ito: "Kakanlong ako sa isang bundok na magtatanggol sa akin laban sa tubig." Nagsabi siya: "Walang tagapagtanggol sa araw na ito laban sa pasya ni Allāh maliban sa kinaawaan Niya." Humarang sa pagitan nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod.
Sinabi: "O lupa, lulunin mo ang tubig mo; O langit, pahintuin mo [ang ulan]." Pinahupa ang tubig, natapos ang pasya, at lumuklok ito sa ibabaw ng [bundok ng] Jūdīy. Sinabi: "Kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan."
Nanawagan si Noe sa Panginoon niya at nagsabi: "O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko. Tunay na ang pangako Mo ay ang totoo. Ikaw ay ang pinakatagahatol sa mga tagahatol."
Nagsabi Siya: "O Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo. Tunay na [ang paghiling na] ito ay gawang hindi maayos. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nangangaral sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang."
____________________
- Tunay na siya ay gawang hindi maayos.
Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay ako ay nagpapakupkop sa Iyo na humiling ako sa Iyo ng wala akong kaalaman hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin at maaawa sa akin, ako ay magiging kabilang sa mga lugi."
Sinabi: "O Noe, manaog ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga biyaya sa iyo at sa mga kalipunan kabilang sa kasama mo. May mga kalipunang pagtatamasain Namin, pagkatapos ay may sasaling sa kanila mula sa Amin na isang pagdurusang masakit."
Iyon ay kabilang sa mga balita ng Lingid, na isinisiwalat Namin sa iyo. Hindi ka dati nakaaalam nito, ikaw ni ang mga tao mo, bago pa nito. Kaya magtiis ka; tunay na ang [magandang] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.
[Nagsugo sa liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Walang iba kayo kundi mga gumagawa-gawa [ng kasinungalingan]."
O mga kalipi ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil dito ng pabuya; walang iba ang pabuya ko kundi nasa Kanya na lumalang sa akin. Kaya hindi ba kayo nakauunawa?
O mga kalipi ko, humingi kayo ng kapatawaran sa Panginoon ninyo, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapadala Siya sa langit sa ibabaw ninyo ng masaganang [ulan] at magdaragdag Siya sa inyo ng lakas sa [dating] lakas ninyo. Huwag kayong tumalikod bilang mga salarin.
Nagsabi sila: "O Hūd, hindi ka nagdala sa amin ng isang malinaw na patunay. Kami ay hindi mga mag-iiwan sa mga diyos namin dahil sa sabi mo at kami sa iyo ay hindi mga maniniwala."
Wala kaming sinasabi malibang nagpasapit sa iyo ang ilan sa mga diyos namin ng isang kasagwaan. Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh at sumaksi kayo na ako ay walang-kinalaman sa anumang itinatambal ninyo
bukod pa sa Kanya. Kaya magpakana kayo laban sa akin nang sama-sama, pagkatapos ay huwag kayong magpalugit sa akin.
Tunay na ako ay nanalig kay Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang umuusad malibang Siya ay humahawak sa unahan ng noo nito. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa isang landasing tuwid.
Ngunit kung tatalikod kayo ay [sabihin mo:] "Naipaabot ko na sa inyo ang ipinasugo sa akin sa inyo. Magtatalaga bilang kahalili ang Panginoon ko sa mga taong iba pa sa inyo. Hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman. Tunay na ang Panginoon sa bawat bagay ay Mapag-ingat."
Noong dumating ang pasya Namin, iniligtas Namin si Hūd at ang mga sumampalataya kasama niya sa pamamagitan ng awa mula sa Amin. Iniligtas Namin sila mula sa isang pagdurusang mabagsik.
Iyon ay [liping] `Ād na nagkaila sa mga tanda ng Panginoon nila, sumuway sa mga sugo nila, at sumunod sa utos ng bawat mapaniil na mapagmatigas.
Pinasundan sila sa Mundong ito ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang [liping] `Ād ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan sa awa ay ukol sa liping `Ād, na mga kalipi ni Hūd.
[Nagsugo sa liping] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong anumang diyos na iba pa sa Kanya. Siya ay nagpasimula sa inyo mula sa lupa at nagpatahan sa inyo rito, kaya humingi kayo ng kapatawaran sa Kanya, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit, Tagatugon."
Nagsabi sila: "O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay inaasahan bago nito. Sumasaway ka ba sa amin na sambahin namin ang sinasamba ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang nag-aalinlangan sa inaanyaya mo sa amin."
Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, nagsaalang-alang ba kayo kung nangyaring ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa, sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung sinuway ko Siya? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa pagpapalugi.
O mga kalipi ko, ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang tanda. Kaya hayaan ninyo ito na kumain sa lupain ni Allāh at huwag ninyong salingin ito ng kasagwaan dahil dadaklutin kayo ng isang pagdurusang malapit.
Ngunit kinatay nila ito kaya nagsabi siya: "Magtamasa kayo sa tahanan ninyo nang tatlong araw. Iyon ay isang pangakong hindi mapasisinungalingan."
Kaya noong dumating ang pasya Namin, iniligtas Namin si Ṣāliḥ at ang mga sumampalataya kasama niya sa pamamagitan ng awa mula sa Amin at [iniligtas] mula sa kadustaan sa araw na iyon. Tunay na ang Panginoon mo ay ang Malakas, ang Makapangyarihan.
Dinaklot ang mga lumabag sa katarungan ng Hiyaw kaya sila sa mga tahanan nila ay naging mga nakataob.
Para bang hindi sila namuhay doon. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Thamūd.
Talaga ngang dumating ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham dala ang nakagagalak na balita. Nagsabi sila: "Kapayapaan!" Nagsabi siya: "Kapayapaan." Kaya hindi naglaon nang nagdala siya ng isang guyang inihaw.
Ngunit noong nakita niya ang mga kamay nila na hindi umaabot doon [sa inihaw] ay nagtaka siya sa kanila at nakadama siya mula sa kanila ng isang pangamba. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay isinugo sa mga tao ni Lot."
Ang maybahay niya ay nakatayo. Natawa ito. Nagbalita Kami ng nakagagalak dito hinggil kay Isaac, at matapos kay Isaac ay kay Jacob.
Nagsabi ito: "O kataka-taka! Manganganak ba ako samantalang ako ay isang babaing matanda at ito ay asawa ko ― matandang lalaki na? Tunay na ito ay talagang isang bagay na nakapagtataka!"
Nagsabi sila: "Nagtataka ka ba sa pasya ni Allāh? Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay. Tunay na Siya ay Kapuri-puri, Maringal."
Kaya noong umalis kay Abraham ang hilakbot at dumating sa kanya ang nakagagalak na balita, nakipagtalo siya sa [mga anghel] Namin alang-alang sa mga kababayan ni Lot.
Tunay na si Abraham ay talagang matimpiin, mapagsumamo, mapagpanumbalik.
[Sinabi:] "O Abraham, tumalikod ka rito! Tunay na dumating na ang pasya ng Panginoon mo. Tunay na sila ay pupuntahan ng isang pagdurusang hindi mapipigilan."
Noong dumating ang mga [anghel na] sugo Namin kay Lot, sumama ang loob niya sa kanila, pinanikipan siya sa kanila ng dibdib, at nagsabi: "Ito ay isang araw na nakaririndi."
Pumunta sa kanya ang mga kababayan niya, na nag-aapura patungo sa kanya, at bago pa nito dati na silang gumagawa ng mga masagwa. Nagsabi siya: "O mga kababayan ko, ang mga ito ay mga babaing anak ko; sila ay higit na dalisay para sa inyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong mandusta sa akin sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyong isang lalaking matino?"
Nagsabi sila: "Talaga ngang nalaman mo na wala kaming anumang pangangailangan sa mga babaing anak mo, at tunay na ikaw ay talagang nakaaalam sa ninanais namin."
Nagsabi siya: "Kung sana mayroon akong lakas laban sa inyo o makapagpapakanlong ako sa isang masasandalang matindi."
Nagsabi sila: "O Lot, tunay na kami ay mga sugo ng Panginoon mo. Hindi sila aabot sa iyo, kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi at huwag lilingon kabilang sa inyo ang isa man, maliban ang maybahay mo; tunay na dadapo sa kanya ang dadapo sa kanila. Tunay na ang tipanan nila ay sa umaga. Hindi ba ang umaga ay malapit na?"
Kaya nang dumating ang pasya Namin, inilagay Namin sa ibabaw niyon ang mababa niyon at nagpaulan Kami roon ng mga batong natuyong luwad na nagkapatung-patong,
na tinatakan sa ganang Panginoon mo. Ito mula sa mga tagalabag sa katarungan ay hindi malayo.
[Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nila na si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Huwag ninyong bawasan ang takalan at ang timbangan. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kariwasaan at tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sumasaklaw.
O mga kalipi ko, lubusin ninyo ang takalan at ang timbangan ayon sa pagkamakatarungan, huwag ninyong bawasan ang mga tao sa mga bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagapanggulo.
Ang tira ni Allāh ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga sumasampalatya. Ako sa inyo ay hindi isang mapag-ingat."
Nagsabi sila: "O Shu`ayb, ang dasal mo ba ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa sinasamba ng mga ninuno namin at na gumawa kami sa mga yaman namin ng niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino."
Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, nagsasaalang-alang ba kayo kung nangyaring ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na maganda? Hindi ko ninanais na salungatin kayo sa sinasaway ko sa inyo. Wala akong ninanais kundi ang pagsasaayos sa abot ng nakaya ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin kundi sa pamamagitan ni Allāh. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ako nanunumbalik.
O mga kalipi ko, huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pakikipaghidwaan sa akin na dumapo sa inyo ang tulad ng dumapo sa mga kalipi ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot ay hindi malayo sa inyo
Humingi kayo ng kapatawaran sa Panginoon ninyo, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay na ang Panginoon ko ay Maawain, Mapagmahal."
Nagsabi sila: "O Shu`ayb, hindi kami nakauunawa sa marami sa sinasabi mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang isang mahina. Kung hindi dahil sa angkan mo, talaga sanang binato kana namin. Hindi ka sa amin kagalang-galang."
Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na kagalang-galang sa inyo kaysa kay Allāh at inilagay ninyo Siya sa likuran ninyo sa likod? Tunay na ang Panginoon ko sa anumang ginagawa ninyo ay nakasasaklaw.
O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo; tunay na ako ay gumagawa. Malalaman ninyo kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang mandudusta sa kanya at kung sino ang siyang nagsisinungaling. Mag-antabay kayo; tunay na ako kasama ninyo ay mapag-antabay."
Noong dumating ang pasya Namin ay iniligtas Namin si Shu`ayb at ang mga sumampalataya kasama niya sa pamamagitan ng awa mula sa Amin at dinaklot ang mga lumabag sa katarungan ng hiyaw kaya sila sa mga tahanan nila ay naging mga nakataob.
Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa Madyan kung paanong nalayo [sa awa] ang Thamūd.
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises nang may mga tanda Namin at isang katunayang naglilinaw
kina Paraon at sa konseho nito at sumunod sila sa utos ni Paraon. Ang utos ni Paraon ay hindi matino.
Mangunguna siya sa mga tao niya sa Araw ng Pagbangon at maghahatid siya sa kanila sa Apoy. Kaaba-aba ang hatirang paghahatiran.
Pinasundan sila rito ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Kaaba-aba ang handog na inihandog!
Iyon ay bahagi ng mga balita ng mga pamayanan na isinasalaysay Namin sa iyo. Kabilang sa mga ito ay nakatayo pa at napawi na.
Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila at walang naidulot sa kanila na anuman ang mga diyos na dinadalanginan nila sa halip kay Allāh noong dumating ang pasya ng Panginoon mo. Walang naidagdag ang mga ito sa kanila na iba pa sa pagpapahamak.
Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dinaklot Niya ang mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.
Tunay na sa [nabanggit na] iyon ay talagang may tanda para sa sinumang nangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay. Iyon ay araw na titipunin para roon ang mga tao at iyon ay araw na masasaksihan.
Hindi Kami magpapahuli niyon maliban sa isang taning na mabibilang.
Sa araw na darating iyon ay walang magsasalitang isang kaluluwa malibang ayon sa kapahintulutan Niya, at mayroon sa kanilang malumbay at maligaya.
Hinggil sa mga malulumbay, sa Apoy [sila]. Ukol sa kanila sa loob niyon ay singhal at singhot,
bilang mga mananatili sa loob niyon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo. Tunay na ang Panginoon mo ay palagawa ng anumang ninanais Niya.
Hinggil sa mga liligaya, sa Paraiso [sila] bilang mga mananatili sa loob niyon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo bilang isang bigay na hindi mapuputol.
Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalinlangan hinggil sa sinasamba ng mga ito. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila noong una pa. Tunay na Kami ay talagang magtutumbas sa kanila ng bahagi nila nang hindi kinukulangan.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit ang pagkaiba-iba hinggil dito ay nangyari. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududa rito, na nag-aalinlangan.
Tunay na ang lahat ay talagang tutumbasan nga sila ng Panginoon mo sa mga gawa nila. Tunay na Siya sa anumang ginagawa nila ay Tagabatid.
Kaya magpakatuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo at sinumang nagbalik-loob kasama mo. Huwag kayong manampalasan; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
Huwag kayong sumandal sa mga lumabag sa katarungan sapagkat sasalingin kayo ng Apoy. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang mga katangkilik, pagkatapos ay hindi kayo maiiadya.
Panatiliin mo ang pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa mga bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa. Iyon ay isang paalaala para sa mga tagapag-alaala.
Magtiis ka sapagkat tunay na si Allāh ay hindi nagwawala sa pabuya ng mga tagagawa ng maganda.
Kaya kung sana nagkaroon mula sa mga salinlahi noong wala pa kayo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa katiwalian sa lupa, maliban sa kakaunti kabilang sa iniligtas Namin kabilang sa kanila. Sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa ipinariwasa sa kanila roon at sila ay naging mga salarin.
Hindi mangyayaring ang Panginoon mo ay ukol magpahamak sa mga pamayanan dahil sa paglabag sa katarungan samantalang ang mga mamayan ng mga ito ay mga nagsasaayos.
Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, talaga sanang ginawa Niya ang mga tao na isang kalipunang nag-iisa; ngunit hindi sila natitigil na mga nagkakaiba-iba,
maliban sa sinumang kinaawaan ng Panginoon mo, at dahil doon nilikha Niya sila. Malulubos ang salita ng Panginoon mo: "Talagang pupunuin Ko nga ang Impiyerno ng mga jinnīy at mga tao nang sama-sama."
Bawat isinalaysay Namin sa iyo kabilang sa mga balita hinggil sa mga sugo ay ang ipinapampatatag Namin sa puso mo. Dumating sa iyo sa [kabanatang] ito ang totoo, isang pangaral, at isang paalala para sa mga mananampalataya.
Sabihin mo sa mga hindi sumasampalataya: "Gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo; tunay na kami ay mga gumagawa."
Maghintay kayo; tunay na kami ay mga naghihintay.
Taglay ni Allāh ang Lingid ng mga langit at lupa at sa Kanya ibabalik ang pasya, ang kabuuan nito, kaya sumamba ka sa Kanya at manalig ka sa Kanya. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.