ترجمة سورة الإنشقاق

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الإنشقاق باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Kapag ang langit ay nabiyak
at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat dito,
at kapag ang lupa ay binanat,
at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatatwa ito,
at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat dito,
O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] sa Kanya.
Kaya tungkol sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya,
tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan
at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.
Tungkol naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa likuran ng likod niya,
mananawagan siya ng pagkagupo
at papasok siya sa isang liyab.
Tunay na siya noon sa piling ng mga kapwa niya ay pinagagalak.
Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya babalik [kay Allāh].
Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.
Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,
at sa gabi at sa tinitipon nito,
at sa buwan kapag namilog ito;
talagang lululan nga kayo sa isang antas matapos ng isang antas.
Kaya anong mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?
At kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa.
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.
Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang iniimbak nila.
Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,
maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.
Icon