maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya matapos na labagin sila sa katarungan. Malalaman ng mga lumabag sa katarungan kung sa aling uwian uuwi sila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
maliban sa mga sumampalataya kabilang sa mga manunula, gumawa ng mga gawang maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas na pag-aalaala, at naiadya laban sa mga kaaway ni Allāh matapos na lumabag sa katarungan ang mga ito sa kanila, tulad ni Ḥassān bin Thābit - malugod si Allāh sa kanya. Malalaman ng mga lumabag sa katarungan dahil sa pagtatambal kay Allāh at pangangaway sa mga lingkod Niya kung sa aling balikan babalik sila sapagkat babalik sila sa isang katayuang mabigat at isang pagtutuos na masusi.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم