Nagsabi Siya: "Aba’y hindi. Kaya pumunta kayong dalawa dala ang mga tanda Namin. Tunay na Kami, kasama sa inyo, ay makikinig.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi si Allāh kay Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Aba’y hindi. Hindi ka nila papatayin kaya pumunta ka at ang kapatid mong si Aaron dala ang mga tanda Naming nagpapatunay sa katapatan ninyong dalawa. Tunay na Kami, kasama sa inyong dalawa sa pag-aadya at pag-aalalay, ay makikinig sa sasabihin ninyo at sa sasabihin sa inyo. Walang anumang makaaalpas sa Amin mula roon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم