ترجمة معاني سورة القلم
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج)
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
Nūn. Sumpa man sa panulat at sa itinititik nila.
Ikaw, sa pagpapala ng Panginoon mo, ay hindi isang nabaliw.
At tunay na ukol sa iyo ay talagang isang pabuyang hindi matitigil.
At tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.
Kaya makikita mo at makikita nila
kung nasa alin sa inyo ang nauulol.
Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa kung sino ang naligaw palayo sa landas Niya, at Siya ay higit na nakaaalam sa mga napatnubayan.
Kaya huwag kang tumalima sa mga tagapasinungaling.
Nagmithi sila na kung sana magpapahinuhod ka at magpapahinuhod sila.
At huwag kang tumalima sa bawat palasumpang hamak,
mapanirang-puri, mapagkalat ng satsat,
palahadlang sa kabutihan, tagalabag, makasalanan,
sanggano, matapos niyon, nagpapanggap ng kaangkanan.
Dahil siya ay naging may yaman at mga anak,
kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna."
Maghehero Kami sa kanya sa nguso.
Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga
habang hindi humihiling ng pahintulot [kay Allāh].
Kaya may umikot doon na isang umiikot [na apoy] mula sa Panginoon mo habang sila ay mga natutulog.
Kaya kinaumagahan iyon ay naging para bang madilim na gabi.
Kaya nagtawagan sila kinaumagahan,
na [mga nagsasabi]: "Magpakaaga kayo sa pananim ninyo kung kayo ay mga mamimitas."
Kaya humayo sila habang sila ay nagbubulungan,
na [nagsasabi]: "Wala ngang papasok ngayong araw sa inyo na isang dukha."
Nagpakaaga sila sa layon habang [nag-aakalang] mga makakakaya.
Ngunit noong nakita nila iyon ay nagsabi sila: "Tunay na tayo ay talagang mga naliligaw;
bagkus tayo ay mga pinagkaitan!"
Nagsabi ang pinakamaigi sa kanila: "Hindi ba ako nagsabi sa inyo na bakit kasi hindi kayo nagluluwalhati [kay Allāh]?"
Nagsabi sila: "Kaluwalhatian sa Panginoon natin! Tunay na tayo dati ay mga tagalabag sa katarungan."
Kaya lumapit ang ilan sa kanila sa iba pa habang nagsisisihan.
Nagsabi sila: "O kapighatian sa atin; tayo dati ay mga tagamalabis.
Marahil ang Panginoon natin ay magpalit sa atin ng higit na mabuti kaysa roon; tunay na tayo sa Panginoon natin ay mga naghahangad."
Gayon ang pagdurusa at talagang ang pagdurusa sa Kabilang -buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila ay nakaaalam.
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan.
Kaya gagawa ba Kami sa mga Muslim gaya ng mga salarin?
Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?
O mayroon ba kayong isang kasulatan na doon ay nag-aaral kayo,
na tunay na ukol sa inyo roon ay talagang ang minamabuti ninyo?
O mayroon ba kayong mga pinanumpaan sa Amin, na aabot hanggang sa Araw ng Pagbangon, na tunay na ukol sa inyo ay ang hinahatol ninyo?
Magtanong ka sa kanila kung alin sa kanila roon ay tagaako.
O mayroon ba silang mga pantambal at magdala sila ng mga pantambal nila kung sila ay mga tapat.
[Bumanggit ka] ng Araw na may itatambad na isang lulod at tatawagin sila tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila nakakakaya.
Nakatungo ang mga paningin nila, nilulukob sila ng isang kaabahan! Sila nga noon ay tinatawag tungo sa pagpatirapa samantalang sila ay malusog.
Kaya hayaan mo Ako at ang sinumang nagpapasinungaling sa pakikipag-usap na ito. Mag-uunti-unti Kami sa kanila mula sa hindi nila nalalaman.
At magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang pakana Ko ay matibay.
O humihingi ka ba sa kanila ng pabuya, kaya sila sa multa ay mga pinabibigatan?
O taglay ba nila ang [kaalaman sa] Lingid kaya sila ay magsusulat [nito]?
Kaya magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo at huwag kang maging gaya ng kasamahan ng isda noong nanawagan siya samantalang siya ay nahahapis.
Kung sakaling hindi nakaabot sa kanya ang isang pagpapala mula sa Panginoon niya ay talaga sanang ihinagis siya sa kahawanan samantalang siya ay pinupulaan.
Ngunit humirang sa kanya ang Panginoon niya, at gumawa sa kanya kabilang sa mga maayos.
Tunay na halos ang mga tumangging sumampalataya ay talagang magpapadulas sa iyo sa pamamagitan ng mga tingin nila noong nakarinig sila sa paalaala at nagsasabi sila: "Tunay na siya ay talagang isang baliw."
At walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang.